Abante Tonite Interactive

Daquis sumagitsit, Cignal HD malupit

By
1,580

Mga laro bukas:
(FilOil Flying V Center)
4:15 p.m. – Generika-Ayala vs F2 Logistics
7:00 p.m. – Smart vs Cocolife

Kinapitan ng Cignal HD Spikers si veteran netter Rachel Anne Daquis upang kalusin sa five sets ang Sta. Lucia Lady Realtors, 25-18, 26-28, 25-23, 18-25, 15-9, kahapon sa 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa Cadiz Arena sa Cadiz City.

Dumaan sa butas ng karayom ang defending champions HD Spikers upang sikwatin ang malinis na tatlong panalo at masolo ang unahan sa team standings.

Pangatlong sunod na best player of the game na rin ni Daquis matapos kumana ng 19 points mula sa 12 attacks, apat na service aces at tatlong blocks para sa Cignal.

“My players played hot and cold and were not consistent,” saad ni Cignal Head Coach Edgar Barroga. “In the fifth set, I told my players to play like how we won the first set, where we controlled the game.”

Ayon pa kay Barroga naging matatag sila sa fifth set kaya nakuha nila ang importanteng panalo sa event na suportado ng Isuzu, UCPB Gen at SOGO Hotel kasama ang ESPN5, Hyper HD at Aksyon TV bilang broadcast partners.

“Good thing we were able to execute our plays well in the fifth set,” ani Barroga.

Nalalagay na sa alanganin ang Lady Realtors sa kanilang asam na sumampa sa semifinals matapos itarak ang 1-2 card.