Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daquis tumatanda nang paurong

0 628

LUMIPAS man ang ilang taon, hindi pa rin kumukupas ang gandang taglay ni Cignal HD Spikers star Rachel Anne Daquis, ayon sa kanyang teammate na si Jovelyn Gonzaga.

Sa isang throwback photo ni Daquis na ipinost ng koponan, mapapansin na halos walang nagbago sa itsura ng sikat na volleybelle.

Makikita sa pinagsamang larawan ang “then and now” photos ni Daquis suot ang kanyang FEU Lady Tamaraws jersey at Cignal uniform.

Ito naman ang napansin ni Gonzaga na nabighani sa kagandahan ng kanyang teammate.

“Tumatandang paurong, referring to ganda at itsura.. Asaan ang hustisya.. @rachdaquis13,” sambit ni Gonzaga sa kanyang Instagram story. (Tonite Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.