Abante Tonite Interactive

DAR bumuo ng task force kontra korap

By
0 101

Isang task force para labanan ang korapsiyon sa loob ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang bi­nuo kahapon ni Agra­rian Secretary John Castriciones kasunod na rin ng natanggap na report na may ilang indibidwal at grupo ang nangingikil kapalit ng paborableng desisyon sa ahensiya.

Ayon kay Castriciones, pangunahing tututukan ng binuong task force ang katotoha­nan sa nasabing impormas­yon at pagtukoy sa mga sangkot sa iligal na gawain.

“The task force will conduct the necessary investigation so that it can weed out erring personnel and those outside the department involved in unlawful transactions,” pahayag ni Castriciones kung saan batay umano sa kanilang natanggap na intel report ay nanghihingi ng pera ang sangkot sa modus na sinasabing may koneksiyon sa mga matataas na opisyal ng DAR para makakuha ng paborableng desis­yon sa resolusyon o kanilang nakabinbing kaso.

Kasabay nito, umapela si Castriciones sa mga kawani ng ahensiya na makipagtulungan sa mandatong ibinigay niya sa task force.

Nagpaalala din ito sa mga kawani at opis­yal ng DAR na gumawa ng tama at huwag ang makapanlamang sa kapwa na gagamitin ang kanilang opisina para kumita ng ma­laking halaga.