Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dar ginisa ng Senado sa P1.5B mais farming model

0 48

Kinuwestiyon nina Senador Cynthia Villar at Senadora Imee Marcos ang pondong inilaan ng Department of Agriculture (DA) para sa corn model farm sa bansa na hindi naman kailangan.

Bago ito, sinabi ni Villar sa pagdinig ng Senate committee agriculture na napakahalaga ng produksiyon na mais dahil ito ang pangunahing pagkain ng mga manok.

“Ang biggest problem ng poultry is the corn kasi ‘yun daw ang feeds. Mahal ang feeds. So, tinatanong ko ano ginagawa dun sa pera ng National Corn Program, which is P1.5 billion a year,” sabi ni Villar sa pagdinig ng panukalang ideklara ang bayan ng San Jose, Batangas bilang Egg Basket ng Pilipinas.

Kinuwestiyon naman ni Marcos kung bakit laging ginagawang model farm ang lalawigan nilang Ilocos Norte gayong sanay magtanim ng mais ang mga magsasaka doon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Giit naman ni Villar, naglaan ang DA ng P50 milyon sa bawat model farm ng mais sa napili nilang bayan o lalawigan.

“Yan nga pinagtataka ko kaya ko tinatanong sa kanila. Ang sabi nila noong una each model farm costs them P50 million. My God, P50 million!” (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.