Dar pipigain sa presyo ng baboy

Hiniling ng isang mambabatas sa Kamara na imbestigahan ang pagsirit ng presyo ng baboy na umabot sa P400 kada kilo.
Sa resolusyon na inihain ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, hiniling nito sa House committee on agriculture na alamin kung ano ang ginagawng hakbang ng tanggapan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar at kung epektibo pa ang mga pagtugon nito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng baboy.
Basahin: Cha-Cha wala sa pokus ng Senado

Inihayag din ni Quimbo na hindi ito pabor sa pagpapatupad ng price freeze.
“Imposing price ceilings on pork products in the midst of a shortage will only further disincentivize suppliers that are already struggling from the challenges imposed by recent calamities,” dagdag ni Quimbo. (Eralyn Prado)