Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dar sinakripisyo mga magbababoy sa PH – Sinag

0 207

Nanawagan ang isang grupo sa mga Pilipino na tangkilikin ang baboy ng mga local hog raiser matapos ilaglag umano ng gobyerno ang industrya nang ibaba ang buwis sa mga imported na karne.

Sabi ng Samahang Industriya sa Agrikultura (SINAG), kargo ni Deparment of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang mga mawawalan ng trabaho at hanapbuhay pati na ang mga magsasarang negosyo dahil sa isinulong nitong pagbaba ng taripa sa imported baboy.

“Ipinagpalit ni ASD (Agriculture Secretary Dar) ang kapakanan ng buong local agriculture sa tatlumpong pirasong pilak ng import permits,” sabi ni SINAG chair Rosendo So.

Babala ng SINAG, P12 hanggang P14 bilyon ang mababawas sa koleksyon ng pamahalaan sa pagpapababa nito ng taripa ng imported pork na maaaring gamitin saa para sa mga programa laban sa pagkalat ng African Swine Fever o bilang ayuda sa mga nangangailangan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.