Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dario binitawan ng Blackwater

0 19

Bagsak sa pagiging veteran free agent si Diego Miguel Dario nang bitawan ng Blackwater wala ng isang buwan bago magbukas ang 46th PBA Philippine Cup 2021.

Kinumpirma Huwebes ni Bossing manager Jacob Munez ang desisyon ng prangkisa na pakawalan na ang 24-year-old, 5-foot-7 point guard at 2018 third-round pick ng team.

Related Posts

Nabigong makumbinsi niya si coach Raoul Cesar Racela para sa bagong kontrata ang pamunuan, pero malaya na ang ex-UP Fighting Maroon na makakapili ng koponan na kukuha sa kanyang serbisyo.

May average lang si Dario na 2.0 points at five minutes na may 78 assists sa nine games sa 45th pro league bubble. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.