Abante Tonite Interactive

Darla, isusulong ng JaDine matapos ilaglag ng KathNiel

By
Darla Sauler
133
Regine Velasquez Alcasid at Ogie Alcasid
Regine Velasquez Alcasid at Ogie Alcasid

MAGKASUNOD na araw na nasa ABS-CBN si Ogie Alcasid.

Noong Martes, nandoroon siya para sa guesting niya sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda.

Kahapon, nasa Kapamilya network compound pa rin siya dahil sa taping ng Magandang Buhay morning talk show nina Karla Estrada, Melai Cantiveros & Jolina Magdangal.

Nope! Hindi pa lumilipat si Ogie sa Dos. Lumilibot siya sa iba’t ibang shows doon para i-promote ang birthday concert niya, ang Ayokong Tumanda, na mapapanood na sa Music Museum ngayong Agosto 26 at 27 (birthday niya mismo).

Sa pagkakaalam namin, pati naman sa GMA 7 shows eh nagpo-promote si Ogie ng A­yokong Tumanda.

Nagkakaroon ng kulay ang pagge-guest niya sa shows ng ABS-CBN dahil marami ang nagsasabing doon siya nababagay.

May mga pahayag din kasi siya sa isang presscon niya na pinupuri niya ang ASAP.

Kahapon nag-end ang exclusive contract ni Ogie sa TV5, pero ayon sa manager niyang si Leo Dominguez, may two weeks pa para magkaroon ng negosasyon tungkol doon.

Eh tutok si Ogie sa Ayo­kong Tumanda birthday concert niya, kaya malamang na after na no’n ay saka pa lang magkaroon ng update kung magkakaroon ba ng renewal ng kanyang exclusive contract o lilipat na ba siya sa ibang TV network.

Baka maging freelan­cer na lang siya!

Napapansin ng fans na pagdating sa exclusive contract ni Ogie sa TV5 ay tahimik lang ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid (na katu­lad ni Ai Ai delas Alas ay special guest niya sa Ayo­kong Tumanda concert).

Pati sa career, magkaiba ang kanilang managers (Regine is being managed by her sister Cacai Velasquez-Mitra).

Hinahayaan nila na ang management team nila ang makialam pagdating sa aspetong ‘yon.

Kapag may nagtatanong kay Ogie at sina­sabing gusto silang pagsamahin ng kanyang misis sa isang proyekto ay palagi niyang sinasabi na ang dapat kausapin pagdating sa career ng kanyang misis ay si Cacai.

***

Sinamahan namin si Martin Nievera sa guesting niya sa Magandang Buhay noong isang gabi.

Para sa Kahapon… Ngayon concert niya sa KIA Theater ngayong Agosto 26 ang guesting doon ni Martin.

Karamihan sa mga staff ng Magandang Buhay ay dating staff ni Kris Aquino sa KrisTV.

May iba sa kanila na inusisa namin tungkol sa tsikang nasa APT Entertainment na ang tinaguriang Queen of All Media at si Mr. Tony Tuviera na raw ang ma­nager ng TV host/actress.

Ang tsika, pinayagan na ng big bosses ng ABS-CBN si Kris na lumipat sa kompanya ni Mr. Tuviera dahil walang maibigay na daily TV show sa kanya. Okey ang dating ng Magandang Buhay at hindi puwedeng basta “ba­wiin” ni Kris ang time slot na ino-occupy ng show.

Sabi ng mga nakausap namin, wala silang alam tungkol sa tsikang ‘yon.

Darla Sauler
Darla Sauler

Si Darla Sauler na kilalang malapit kay Kris, wala raw alam tungkol doon at hindi pa sila nagkakausap ng kanyang kaibigan. Hindi niya rin ito natatanong dahil wala siyang idea na may ganoong kumakalat na ba­lita.

Kami pa ang tinanong ni Darla kung confirmed ang balitang ‘yon, ‘noh?!

Teka! Hindi na ba close si Darla kay Kris o sadyang busy lang ang isa sa nominee bilang most popular celebrity blogger ng www.pushawards.com kaya wala siyang idea tungkol sa tsikang ‘yon sa TV host/actress?

Well…

Anyway, “biktima” si Darla sa awayan ng fans ng loveteam ng JaDine (James Reid & Nadine Lustre) at Kathniel (Kathryn Bernardo & Daniel Padilla).

Kung noon ay suportado ng Kathniel fans si Darla at ibinoboto sa mga contest katulad ng sa Push Awards, aba, nga­yon, maka-JaDine na raw kasi siya, kaya ibang celebrity blogger na ang kanilang sinusuportahan, huh!

Sabi naman ng JaDine fans, mas sikat na ang sinusuportahan nitong loveteam compared sa Kathniel loveteam, at kaya raw nilang ipanalo si Darla sa nasabing botohan!

***

Speaking of Kathniel fans, hindi lang sina Kathryn at Daniel ang sinusuportahan nila.

Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo

Sobrang supportive rin sila sa career ng tinagurian nilang Queen Mother na si Karla.

At heto na, pati ang tatay ni Daniel na si Rommel Padilla, grabe ring suportahan ng fans, kaya hindi nakakapagtaka na bukod sa magkakasunod na TV shows, may endorsement na rin ang tatay ni Daniel, huh!

Kasama ang kapatid na si Robin Padilla, ilo-launch si Rommel bilang endorser ng Bravo, isang uri ng food supplement for men.

Kung dati ay palaging suporta lang si Rommel kay Robin, aba, ngayon naman, mabagsik na rin ang kanyang career and thanks to his son Daniel.