Abante Tonite Interactive

Darna tuloy, fan ni Enrique pumapalag kay Tony

4,624

TULOY ang lipad ni Liza Soberano bilang Darna. ‘Yun ang nilinaw ng kampo ng Star Ci­nema at ni Direk Erik Matti.

Kontra sa lumabas na balitang shelved na ang Darna movie dahil nabantilawan na umano ito, ang sabi ng Star Cinema ay nagsimula na ang shooting nito at tuloy na tuloy ang nasabing proyekto.

May tinweet pang photo si Direk Erik na parang nagmi-meeting (o script reading) sila with Liza, tapos ay may nakatalikod na lalaki na tinakpan niya ng smiley emoji ang ulo.

Abante Hiring – IT dep

Ang hula ng netizens base sa likod, sapatos at backpack nu’ng lalaki ay si Tony Labrusca raw ito. Si Tony na huling napanood sa La Luna Sangre at ipinapareha kay Kisses Delavin.

Tuwang-tuwa ang fans ni Tony, pero nag­reak ang ilang LizQuen fans dahil ang alam daw nila ay kasali si Enrique Gil sa Darna ni Liza.

May humirit din na meron siyempreng iba pang kasama sa cast dahil hindi lang si Liza ang artista sa pelikula. Hopia rin sila na kung Darna si Liza ay si Quen naman si Captain Barbell.

Bisi-bisihan ngayon ang LizQuen sa bago nilang teleserye na Bagani, so mukhang matatagalan pa bago matapos ang Darna movie. Kung hindi late this year ay baka abutin pa raw ito ng 2019.

Isa si Iza Calzado sa noon pa napapabalitang kasama sa cast ng Darna at nakikita raw itong nagti-training with Liza.

Aicelle at Mark engaged pero hiwalay

“IN God’s perfect time, our dreams were fulfilled last night. Finally, our first step to forever! I can’t wait to spend the rest of my life with you, my Fiance! Mahal na mahal po kita, Mark Zambrano.”

“Yun ang tamis-tamisang caption ng bagong engaged na si Aicelle Santos sa Instagram post niya na kuha sa ginawang proposal ng nobyo niyang si Mark the other night.

“With your ‘Yes!’, God’s plans for me was realized… Now hold my hand and let’s take forever on together! Mahal na mahal na mahal kita, my FIANCEE! Whoa I love how that sounds!” bahagi naman ng sweet caption ni Mark sa IG post nito.

Ayon kay Mark, pinlano niya ang proposal na ‘yon nang malaman nilang pupunta ng Europa si Aicelle para maging bahagi ng UK Touring Group ng Miss Saigon.

Sigurado na si Mark sa relasyon nila at suportado sila ng mga pamilya nila kaya ina­lok na niya ng kasal ang Kapuso singer-actress.

Aminado ang GMA News reporter na medyo malungkot dahil magkakahiwalay sila, pero handa na raw siya. 10 months lang naman daw mawawala si Aicelle, so mabilis lang ‘yon.

All-out ang suporta ni Mark sa magandang opportunity na dumating kay Aicelle. Planado na ang pagbisita niya roon twice this year, sa UK at sa Switzerland. Tapos ay may isang bakasyon si Aicelle dito sa ‘Pinas.

Sa March 22 ang lipad ni Aicelle pa-UK para gumanap sa papel ni Gigi Van Tranh, na bago siya ay ginampanan ni Rachelle Ann Go sa West End at Broadway revival ng Miss Saigon.

After ng nasabing UK tour next year magaganap ang kasal nina Aicelle at Mark.