Abante Tonite Interactive

Darren Criss inalay ang Golden Globe award sa Cebuana mom

By
244

Panalo ang Fil-American singer­/actor na si Darren Criss sa Golden Globe nu’ng Linggo (Monday in Manila) para sa pagganap sa FX’s “The Assasination of Gianni Versace: American Crime Story.”

Si Criss ay nanalo ng best actor sa pagsasabuhay bilang Andrew Cunanan, isang serial killer na pumatay sa 5-katao, kasama na ang designer na si Gianni Versace, noong 1997.

Isa-isang pinasalamatan ni Criss ang mga tumulong sa kanya para makamit ang prestihiyosong award at siyempre ‘di niya nakalimutan na pasalamatan ang inang Pilipino.

“This has been a marvelous year for representation in Hollywood, and I am so enormously proud to be a teeny tiny part of that as the son of a firecracker Filipino woman from Cebu that dreamed of coming into this country and getting to be invited to cool parties like this. Mom, I know you’re watching this,” aniya.

“I love you dearly. I dedicate this to you. This is totally awesome,” dagdag pa niya.

Si Criss ay anak ng Pilipina na si Cerina Bru na mula sa Cebu at American father mula sa Pittsburg, Pennsylvania na si Charles William Criss.

Ipinagmamalaki ni Criss ang pagiging isang Pilipino.

“I always tell people, being half Filipino is one of my favourite things about myself because I had no control over that,” paliwanag niya. I feel like I’ve been given a superhero cape.”

“If there’s any young [people,] either half-Filipino or full, or anyone in the Filipino community that looks to my work as a source of inspiration or direction, sign me up,” pagtatapos niya.