Abante Tonite Interactive

Darren hopia sa Singer 2020

1,005

Kahit nasa gitna ang buong mundo ng coronavirus , umaasa pa si Darren Espanto na matutuloy ang pagsali niya sa “Singer 2020.” Isa itong international singing competition sa China na sinalihan ng kapwa niya Kapamilya singer na si KZ Tandingan nu’ng 2018. Nu’ng isang taon ay nakapag-guest na siya sa nasabing singing competition at inimbita siyang sumali sa competition .

At kung kelan siya nag-commit para sumali ay saka naman nagkaroon ng pandemic ang COVID-19 .

Gayunpaman, umaasa si Darren na sana’y magwakas na ang coronavirus na ito nang matuloy pa rin ang pagsali niya sa naturang kompetisyon.

Christopher Cross tinamaan ng COVID -19

Ang 68-year old Grammy award-winning American singer-songwriter na si Christopher Cross ang pinakabagong international celebrity na positibong dinapuan ng coronavirus (Covid-19) which he posted sa kanyang Facebook account.

Ito umano ang pinaka-worst na sakit na kanyang naranasan.

Si Christopher Cross ang nagpasikat ng napakaraming hit songs tulad ng “Sailing,” “Think of Laura,” “Arthur’s Theme,” “Swept Away,” “Ride Like A Wind,” “I Will,” “All Right,” “Never Be The Same” at marami pang iba.

Si Chrstopher ay naka-self quarantine sa kanyang bahay.

Nakikiusap din si Christopher na seryosohin ang COVID -19 dahil walang pinipili. Kahit sino ay kakapitan ng mapamuksang virus na ito.

Prince Charles naka-quarantine sa Scotland

Naka-home quarantine ngayon sa Scotland ang 71-year-old na si Prince Charles (Prince of Wales) . Siya ang susunod na magiging hari ng Brintanya.

Siya ay ex-husband ng yumaong si Princess Diana at ama nina Prince William at Harry.

Naka-self quarantine din ang second wife ni Prince Charles na si Camille, Duchess of Cornwall.

Si Prince Charles ay panganay na anak ni Queen Elizabeth II.

Sam, Anthony na-lockdown sa Australia

Maraming celebrities ang inabutan at na-lockdown sa iba’t ibang lugar dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makabalik ng Pilipinas ang engaged couple na sina Sam Pinto at Anthony Semerad na sa Australia rin inabutan ng lockdown .

On extended vacation din sa Bali, Indonesia ang mag-asawang Maxene Magalona at Rob Manaquil .

Sa Anilao, Batangas naman inabutan ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga kasama ang kanyang inang si Geralda, sister na si Vanessa at pamilya nito – ang Filipino husband niyang si Jun Sunga at dalawa nilang anak.

Marami pang ibang celebrity ang na-trap sa ibang bansa at hindi pa makabalik ng Pilipinas.

Tonite – Wendys Inhouse Ad