Abante Tonite Interactive

Darren kay JK: Magkita na lang tayo sa korte

By
2,421

tonite-this-is-it-roldan-castroMainit na ang awayan nina Darren Espanto at Juan Karlos Labajo na nagsimula sa tweet na ‘gayness at its finest.’

Ayon sa post ni Darren: “Since pinost mo na din naman yung chat natin dito (which you’ve deleted), nung una hacker, ngayon edited? Pero nag appear sa mismong account mo? And even if I wasn’t the one you were talking about in PBB, hindi parin tama ang magsalita ng masama tungkol sa iba. @KarlosLabajo.

“Hindi ako lalaban sa ‘yo pagdating sa bastusan kasi alam ko naman na bastos ka gaya ng sabi mo. Wag mo rin sasabihin na tinuring mo akong kapatid nung The Voice kasi ang plastic nun. Sa korte nalang tayo magkita kung di ka masyadong busy. Sikat mo na eh, “brother”! @KarlosLabajo”

Boom.
***
Jo Berry nakipagsabayan sa comedy

Small but terrible talaga si Jo Berry dahil timeout mu­na sa heavy drama ang ‘Onanay’ lead star sa pagbisita niya sa taha­nan ni Pepito Manaloto (Michael V.) noong Sabado nang gabi.

Isang bagay ang pinatunayan ni Jo—kaya rin niyang makipagsabayan sa co­medy. Hindi kasi siya nagpahuli kina Bitoy at John Feir sa hamon nito na ubusin ang isang siopao na tila mas ma­laki pa sa kanya.

Marami ang pumuri sa natural na pag-arteng ito ni Jo, ha!

Karamihan din sa nabasa naming comment ay sana raw isama na rin sa barkadahan ng Pepito Manaloto ang Kapuso star. Mangyari kaya ito?

***
71% ng mga kabahayan naka-digital terrestrial TV na

Patuloy na dumarami ang mga kabahayan na walang cable sa Metro Manila ang nanonood ng telebisyon sa pamamagitan ng digital terrestrial television (DTT).

Ayon sa pinakabagong Kantar Media establishment survey na isinagawa noong Agosto, 71.6% na ng mga kabahayan na walang cable sa Metro Manila ang nakikinabang sa magandang benipisyo ng ABS-CBN TVplus tulad ng malinaw na panonood ng TV, mas pinaraming exclusive chan­nels, at murang pay-per-view service na walang monthly fee, kumpara sa 55% noong Agosto 2017.

Tumaas din ang bilang ng mga kabaha­yan na walang cable sa Mega Manila na may ABS-CBN TVplus box. Nasa 64.7% na ito kum­para sa 44% noong Agosto 2017. Samantala, 57% na ng mga kabahayan na walang cable sa suburbs ang mayroong ‘mahiwagang black box’ sa kanilang mga tahanan kumpara sa 33% noong Agosto ng nakaraang taon.

Nakabenta na ng 6.1 million units ng TVplus boxes ang ABS-CBN as of Oktubre 10 mula pa nang inilunsad ito noong 2015. Ang ABS-CBN din na nagta-transition nga­yon para maging isang digital company ang ­unang media at entertainment company sa bansa ang unang nag-broadcast ng digital terrestrial television para mabago ang panonood ng TV ng maraming Pilipino.

Handog ng ABS-CBN TVplus ang libreng channel na ABS-CBN at ABS-CBN S+A pati na ang exclusive channels na CineMo, isang all-day movie channel; YeY, isang all-day children’s entertainment channel; Knowledge Channel, isang educational channel na tampok ang curriculum-based program para sa primary at secondary students, at DZMM TeleRadyo na handog naman ang live broadcast ng mga program­a sa DZMM Radyo Patrol 630.

Noong Hulyo 2018, naglunsad din ang ABS-CBN TVplus ng bagong channels na paunang napapanood sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Metro Cebu, and Cagayan de Oro. Kasama sa lineup ng bagong channels ang Asianovela Channel, ang una at natatanging channels a digital free TV na nagpapalabas ng uncut Asian dramas at mo­vies. Bagong channel din ang Movie Central, ang unang first all-English movie channel sa digital free TV. Kinu­kumpleto ng MYX, Jeepney TV, at O Shopping, isang home TV shopping channel, ang lineup ng ABS-CBN TVplus.

 

Telma Miss Earth-Portugal
Malakas ang laban ni Telma Madeira ng Portugal, 18 years old. Ang hometown niya ay Porto.
Nawala ang insecurities ni Telma dahil sa pagsali sa beauty pageant. Hindi rin agad sumusuko ito para matupad ang kanyang mga pangarap.
Ipinagmamalaki ni Telma ang kanyang bansa.
“I have so much proud to represent my beautiful country Portugal, because in addition that we are a small country, but people here have a big heart, and they are fighters, and persistent and this are the qualities that I want to keep with me as a Portuguese women for the Miss Earth 2018,” lahad niya.