Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Darren tinukso nina Robi, Maymay

0 396

NI: ARCHIE LIAO

Sa GMA-7, ginu-groom na maging love team sina Cassy Legaspi at ang anak ni Yorme na si JD Domagoso.

Magkasama kasi sila sa Kapuso teleseryeng “First Yaya.”

Sa kaso naman ng crooner na si Darren Espanto, hindi siya nakaligtas sa pambubuska ng kapuwa niya Kapamilya artists sa pagbuking ng mga ito sa pagsinta umano niya sa dalaga nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Katunayan, nalagay siya sa hot seat habang pinagtutulungan siyang tuksuhin nina Robi Domingo, Maymay Entrata at AC Bonifacio tungkol sa napabalitang apple of the eye niya na si Cassy.

Inasar din ni Robi si Darren na noong unang araw na nakabalik na ito sa Pilipinas pagkatapos ng isang taong pamamalagi sa Canada ay si Cassy daw ang una nitong pinuntahan. Dinalhan daw ito ng pasalubong.

Nang-urot din ang ibang co-hosts ni Darren kung may pa-matching flowers daw ba ito sa kanyang girl.

Humirit din sila ng kanilang pasalubong pero naiintindihan daw naman nila kung hindi sila ang priority ng The Voice Kids finalist.

Leave A Reply

Your email address will not be published.