Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daryl inupakan ng mga netizen

0 804

Ilang netizen ang tumigil na sa paghanga kay dating Kapamilya singer Daryl Ong, na anila’y DDS (Diehard Duterte Supporter).

Bumanat kasi ang singer-songwriter sa Facebook laban sa mga lumahok sa SONAgKAISA rally, ang protesta kasabay ng ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga nagprotesta ay si Ces Oreña-Drilon at iba pang manggagawa ng ABS-CBN . Dinadaing nila ang pagtanggi ng Kamara sa franchise application ng Kapamilya network.

“Mukhang mag-e-ECQ (enhanced community quarantine) na naman daw? Ayos, rally pa more guys,” sarcastic na sabi ni Daryl sa Facebook.

Naka-deactivate sa ngayon ang FB account ng singer pero naglakip ng screenshot ang mga netizen sa Twitterverse.

Tinuligsa ng madla ang paratang ng singer na kumakalat ang COVID-19 dahil sa mga protesta.

May iba namang nagbunyi dahil umano’y niligwak si Ong ng dati nitong home network na ABS-CBN.

Nitong nakaraang buwan, hinayag ni Ong na banned na umano siya at kapwa-singer na si Bugoy Drilon sa Kapamilya network . Ito’y dahil sa kanilang komento sa kalagayan ng network. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.