Abante Tonite Interactive

Dasal, suporta bumuhos kay Balanza

By ,
870

Bumuhos ang suporta at dasal para kay Letran Knight Jerrick Balanza, na na-diagnose na may brain tumor. 

Sa pahayag na inilabas ni Balanza, humihingi ito ng dasal para sa kanyang agarang pagga­ling at humihingi ito ng paumanhin dahil hindi na ito makakapagpatuloy maglaro para sa Letran ngayong season.

“I am grateful for those who are helping me, financially, spiritual­ly, morally. My only request is for everyone – especially my fellow Letranites – to pray for me, pray with me, for my healing and recovery and return to active play,” bahagi ng pahayag ni Balanza.

Sa pinagdadaanan ngayon ng batang atleta, ilan kapwa niya manla­laro sa magkabilang liga ng NCAA at UAAP ang nagbigay ng suporta at dasal sa kanya gaya ni Javee Mocon na nag-tweet ng “Prayers for Jerrick Balanza” at si Evan Nelle na nag-post din tungkol dito.

Si Arellano Chief Ian Alban ay nag-tweet ng “PRAYERS UP. GET WELL SOON. @Iamjerrick07. GODBLESS.”
Pati si dating Letran head coach Louie Alas ay nagbigay din ng suporta sa pamamagitan ng pag-tweet ng “Get well Jerick Balanza, Prayers up!”

Si dating Perpetual Altas Mythical 5 member at ngayon ay UP Fighting Maroon Bright Akhuetie ay nagbigay din pahayag para kay Balanza. “I’ve always loved this kid. I’d love to have him as a team mate. I say that each time I watch him play.. God will see u through bro @Iamjerrick07 stay strong.. #PrayersForJerrick.”

Pati ang teammate niyang si Gelo Vito ay nagpahayag din ng suporta; “You never want to see a fellow athlete go through this… We are with you in this fight @Iamjerrick07! Laban lang idol! #PrayforJerrickBalanza.”