Abante Tonite Interactive

Dashcam, CCTV, GPS ioobliga sa mga PUV, TNVS

350

Hindi na papayagang bumiyahe ang isang public utility vehicle (PUV) gayundin ang transport network vehicle service (TNVS) kapag walang naka­kabit na dashboard camera, closed circuit television (CCTV) at global positioning system (GPS) sa sasak­yan nito bilang standard safety equipment.

Ito’y sa sandaling makapasa ang House Bill 3341 na inihain ni Bagong Henerasyon (BH) Rep. Bernadette Herrera na nag-oobliga sa lahat ng PUV, TNVS, school transport servi­ce, maging sa government service vehicle na maglagay ng mga dash cam, CCTV at GPS sa kanilang sasakyan.

Layon nitong magkaroon ng maaasa­han at ligtas na public transportation system ang mga Pilipino.

Paliwanag pa ni Herrera, sa dami umanong krimen at aksidenteng nagaganap sa mga lansangan ay malaki umanong tulong ang mga nabanggit na equipment para maidokumento ang pangyayari. (Eralyn Prado)