Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dasmariñas mayor nagpositibo sa virus

0 245

Inanunsiyo ni Dasmariñas, Cavite Mayor Jennifer Austria-Barzaga na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ng alkalde na nitong Setyembre 28 nang matanggap ni Barzaga ang balitang positibo siya sa COVID-19 at sa kasalukuyan ay sumasailalim sa isolation at nagpapalakas ng resistensiya upang malabanan ang virus na dumapo sa kanya.

Humingi rin siya ng pasensiya na nagresulta sa pansamantalang pagpapasara ng City Hall para sa disinfection pero gusto lamang umano nitong siguraduhin na makakaiwas sa iba sa kumakalat na virus.

Sinabi rin ni Barzaga na sumailalim na sa swab test ang lahat ng mga kasama nito sa opisina at karamihan sa kanila ay negatibo sa virus habang hiniling naman niya sa iba pa niyang kanyang nakasalamuha na agad na makipag-ugnayan sa kanilang Barangay Health Emergency Response Team o sa City Health Office.

“Humihiling po ako sa inyo na ipanalangin natin ang lahat ng may karamdaman lalo na sa mga nagpositibo sa covid-19 para sa mabilis na paggaling. Manatili po tayo sa ating mga tahanan hangga’t maaari upang masiguro ang ating kaligtasan,” ayon pa sa alkalde. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.