Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Data privacy hadlang sa contact tracing – Año

0 293

Inamin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na isang hadlang ang Data Privacy Law sa contact tracing sa mga indibidwal na posibleng COVID-19 positive.

“Isa nating balakid dyan ay `yong Data Privacy Law natin, hindi nagbibigay ng full information. Halimbawa may mga na-confine sa hospital, `pag hiningi natin `yong data, ang binibigay lang nila pangalan ng patient. Walang telephone number, walang address. So another obstacle na naman `yon,” ani Año.

Sa kabila nito, nakipag-usap na umano sila sa mga ospital para makipagtulungan sa ginagawang contact tracing.

“Puwede naman kasi without naming the names, provide the details. For example, patient 2051, sumakay siya sa MRT ng ganitong oras, ng ganitong araw, siya ay nagtratrabaho sa ganitong building, siya ay umuuwi sa ganitong lugar,” giit ni Año. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.