Abante Tonite Interactive

Dating alkalde sa Leyte kulong sa sabong

742

Kalaboso ang hatol ng Sandiganbayan laban kay dating Mayor Charita Chan ng Babatngon, Leyte matapos na mapatunayan sa kasong paglabag sa Section 3(j) of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019).

Si Chan ay hinatulan ng 6-7 taong pagkakakulong gayundin ang perpe­tual disqualification from holding public office.
Napatunayan ng korte na nooong Abril 2012, nag-isyu si Chan ng mayor’s permit para payagan ang Liga ng mga Barangay na magdaos ng cockfighting activities o ­sabong kada Sabado sa isang lisensiyadong sabungan na isang malinaw na paglabag sa umiiral na batas.

“Under Presidential Decree No. 449 (The Cockfighting Law of 1974) and Municipal Ordinance No. 281, cockfighting in a licensed cockpit shall be allowed only on Sundays, legal holidays, during local fiestas, agricultural, commercial or industrial fairs, carnivals or expositions in the municipality,” ayon sa korte.