Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating Anakbayan na naging komunista sumuko

0 312

NAGBALIK-LOOB ang isang dating miyembro ng Anakbayan na naging komunista nang sumuko ito sa mga sundalo sa Zamboanga del Sur.

Sinabi ni Western Mindanao Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., na sumuko si alyas Kins, 38, mula sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Humarap siya sa Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Tigbao, Zamboanga del Sur.

Dati siyang miyembro ng Main Regional Guerilla Unit ng Western Mindanao Regional Party Committee.

Dinala ni Kins ang kanyang Bandolier, 14 na magazines, 255 rounds ng 7.62mm live ammunition, isang hand grenade at personal na gamit. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.