Abante Tonite Interactive

Dating army chief bagong DSWD secretary

637

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na itatalaga na nito bilang bagong Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary si dating army chief Rolando Bautista.

Papalitan na nito sa puwesto si Virginia Orogo, na umaktong acting secretary mula noong May 10, 2018.

Nauna rito’y nabakante ang nasabing posisyon noong Agosto 16, 2017 matapos na ma-reject ang appointment ni Judy Tagui­walo ng Commission of Appointments.