Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating artista at model na si Lito Gruet, animal rights advocate na!

0 108

Dear FURRever FURRiends:

Ito po ang Part 2 ng interview ko kay former actor and model, Lito Gruet!

Q: Kamakailan lamang, sa Facebook, may mga pino-post kang photos na nagpapakain ng street dogs? Ito ba ang iyong bagong adbokasiya?

Lito Gruet: “Well, since stranded kami ng asawa ko sa Dumaguete for 7 months na at bawal ang aso sa condo, sa kalye ko natatagpuan ang kaligayanhan ko. Nag-e-exercise ako ng 2 hours hiking tuwing umaga kasi pinupuntahan ko yung mga kaibigan kong “aspins”. Madami sila. At kahit malayo pa ako tumatakbo na sila para lumapit. Minsan sumasama pa sila sa namin. Umiikot kami sa boulevard at city proper. Minsan ayaw na nilang umuwi. So hinahatid namin pabalik sa kanilang lugar ang mga aso tapos sasakay kami ng tricycle para magpaiwan na sila…may halong lungkot at taka sa mukha nila kung bakit bigla namin sila iniwan.”

Q. Bakit mo ito ginagawa?

Lito: Mahal ko kasi ang lahat ng klase ng aso. Hindi ko pinipili ang may breed lang although mahal ko din sila. Pero kahit asong kalye, binibigyan ko ng pansin at pagmamahal. Happinesss ko talaga pag may kasama akong aso. Kakaibang saya ang nararamdaman ko basta makahalubilo sila. Ewan ko kung ako lang ang ganito, pero gusting-gusto ko hawakan ang ilong nila.

Q. You have a big heart, Lito. May plano ka bang magtayo ng rehab para sa mga stray dogs?

Lito: Yes! Ang dream ko nga ay sana makatayo ng rescue facility para sa kanila. At kung may rescue facility siyempre dapat may Dog Café para mas masaya! Maybe in the future, who knows?

Q. Ano ang wish mo para sa mga readers natin na sana gawin nila para sa mga street animals?

Lito: “Sana hindi tayo mag-discriminate. Hindi porke may “breed” mas mamahalin o kung asong kalye ay sisipain nyo lang o ituturing na madumi at nakakadiri..

“At kung magkakaroon ka ng aso, kailangan isipin muna ang budget since kailangan nila ng kompletong bakuna, check-up palagi sa vet, masustansyang dog food, grooming atbp. At sana, parang pamilya o anak ang turing nyo sa kanila. Hindi hayop.

“Ang aso kasi ay hindi “props,” “pang-display” o “status symbol”. Ito ay ang isang buhay na hayop na marunong magmahal sa atin. At kapag minahal din natin ang isang aso, siya yung bantay na may loyalty na hindi masusuhol o mabibili.”

Wow, nakaka-inspire talaga itong si Lito Gruet.

Sana all.

Nagmamahal,

Joyce

Leave A Reply

Your email address will not be published.