Abante Tonite Interactive

Dating bata ng narco-general, iniligpit

523

By Edwin Balasa

Patay ang isang pulis na dating driver ng retired Police General na idinawit sa drugs makaraang pagbabarilin ito ng isa sa dalawang suspek kamakalawa nang gabi sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Dead on-the-spot matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang nakilalang si Police Master Sergeant Joseph Villamor, 44, nakatalaga sa Maritime group ng PNP.

Ayon kay Lapu-Lapu City station 3 chief, Police Major Wayne Magbanua, pasado alas-siyete ng gabi nang maganap ang pamamaril sa labas ng bahay ng biktima sa Pueble De Oro Subdivision sa Brgy. Babag ng nabatid na lungsod.

Napag-alaman na kasalukuyang tumatawag sa cellphone ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo at isa sa mga ito ay malapitang binaril ang pulis sa ulo.

Bago pa tumakas sa naghihintay na motorsiklo ay ilang ulit pang pinagbabaril sa katawan ng salarin ang nakatumba nang pulis.

Sa ulat ng pulisya, si Villamor ay dating na-assign bilang drayber ni retired Police General Marcel Garbo, na idinawit ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa mga narco-general bago ito nalipat sa Lapu-Lapu City Intelligence Branch at mare-assign sa Maritime Group noong 2015.