Abante Tonite Interactive

Dating beauty queen nilangaw

241

Mistulang nilangaw ang press briefing nitong isang dating mambabatas dahil walang kalatoy-latoy magsalita at dahil sa haba ng kanyang opening statement.

Unang salta ni Ma­dam sa Malacañang pero hindi ito nakapag-iwan ng magandang impresyon para sana muling maimbitahan sa ibang pagkakataon bilang resource speaker.

Paano naman kasi mga utaw, isinama sa kanyang opening statement ang history na yata ng kanyang tanggapang hinahawakan kaya nagmistula tuloy siyang nagmo-monologue lang at halos magkatunog na lamang silang magsalita ng kesong senador.

Dahil nakaka­bagot, halos lahat ng mga nasa briefing room ay nagkukunwaring nakikinig lang, subalit nakayuko at nagbabasa na lang ng bagong kaganapan sa kanilang Facebook at Twitter account.

Flop na flop ang paandar ni madam dahil hindi naman kasi mainit ang isyung bitbit nito.

Bale ba, pati pag-imbita sa publiko ay binasa sa kanyang statement kaya lalong turned-off ang mga miron.

Napapailing ang mga staff ni madam kasi tila walang epekto ang pagharap ng kanilang boss sa press briefing dahil kitang-kitang hindi inte­resting ang isyu nito.

Bulong nga ng mga miron, kailangan niya ang publicity kasi may plano si madam na bumalik sa kongreso kaya dapat maagang magparamdam, pero sumablay yata.

Si madam ay dating beauty queen sa isang lungsod sa Metro Manila na naging politiko.

At ito ang petmalu mga utaw, si madam ay may kasong katiwalian dahil sa kanyang ghost projects noong nasa kongreso pa, pero nabigyan ng puwesto ngayon sa isang malaking departamento ng gobyerno.

Marami nga ang nagtataka kung paano nakalusot si madam beauty queen gayong mahigpit ang admi­nistrasyon sa mga may kaso o baka may ma­lakas ehe! Goodluck na lang ma’am sa next elections kung makakaulit ka.

Si ma­dam ay may initials na M&M pero dalawang­ letra lang ang apelyido.