Abante Tonite Interactive

Dating bumbero na sumuko sa Oplan Tokhang, dinukot

By
1,209

Isang dating miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP), na isa ding drug surrenderee at pinaghihinalaang sangkot sa  ang patuloy na nawawala makaraang dukutin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa tapat ng kanyang bahay sa Brgy. Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.

Ayon kay Police Supt. Fitz Macariola, San Jose del Monte City police chief, nakilala ang biktimang si Virgilio Cabang, 54-anyos, nakatira sa Vista Verde Subdivision, Brgy. Muzon, na hindi pa nakikita matapos puwersahang tangayin ng mga hindi kilalang suspek lulan ng sports utility vehicle (SUV).

Ang dinukot na biktimang si Cabang ay dating bumbero na nakatalaga sa Valenzuela City at sumuko na rin sa Oplan Tokhang at nagkaroon na ng dalawang kinakasama na kapwa nasawi sa drug-related cases. Kinukumpirma pa rin ng pulisya ang impormasyong aktibong miyembro ito ng gun-for-hire syndicate at kumikilos sa lungsod at kalapit-lugar.