Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating CamSur Rep Villafuerte pumanaw na

0 94

Namatay na si dating Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte kahapon sa edad na 86.

Kinumpirma ni Cam­Sur Rep. LRay Villafuerte ang pagpanaw ng kan­yang ama na nagsilbi ring gobernador ng probinsya nang 15 taon.

“It is with great pain and sadness that I announce the demise of a loved and dear one, My Father, Luis R. Vil­lafuerte Sr., one of the most Illustrious political leaders of our country.

Sabi ng nakababatang Villafuerte, pumanaw ang kanyang ama alas-12:35 ng umaga sa St. Luke’s Medi­cal Center-Bonifacio Global City, Taguig.

Ang nakatatandang Vil­lafuerte ay naging miyem­bro ng Batasan Pambansa noong 1978.

Si Luis din ay naging Minister of Trade sa ilalim ng gobyernong Marcos at nag­ing kalihim ng Government Reorganization sa termino ni dating Pangulong Cory Aquino. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.