Abante Tonite Interactive

Dating DOT boss, may secret coach

By
457

Sino itong media-savvy­ DOT official na nag-coach kay dating­ Tourism Secretary Wanda Teo sa kanyang pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee hearing tungkol sa P60 milyong ad placement ng ahensiya sa Kilos Pronto show ni Ben Tulfo sa PTV4 kamakailan?

Lumabas daw ang tunay na kulay ng naturang opisyal dahil kuntodo sipsip ito sa kasalukuyang kalihim ng DOT, pero nang gisahin sa Senado ang dating kalihim, ito pa ang nagdidirek at nagbibigay ng talking points kay Teo.

Ayon sa source ng Tonite, nakakapit daw ang hunyangong opis­yal sa isang ‘Good Guy’ ng DOT.

Abay kakutsaba pa niya ang BFF niyang make-up artist lamang subalit nakuhang exe­cutive assistant ni Teo sa ahensiya.

Clue: Ang lihim na coach ni Teo ay sinasabing sangkot din sa ad placement at paggastos ng pondo ng DOT noong panahon ng dating kalihim.