Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating esmi ng hunk actor pinakasalan ng milyonaryo

0 631

Umiikot talaga ang gulong ng buhay. Ang nakahiwalay na misis ng isang kilalang hunk actor na dating inaayawan ng kanyang partido ay biglang nagkaroon ng bonggang-bonggang buhay.

Hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay, kinasuhan ng babae ang male personality dahil sa pananakit sa kanya, kasama ang ina ng aktor.

Kuwento ng aming source, “Iba kasi ang kuwento nila, hindi lang ang male personality ang nananakit sa girl, kasali ang mommy niya! Dalawa sila, pinagtutulungan nila ang girl.”

Dahil sa sobrang sakit ng kalooban ay nangibang-bansa ang babae, nagtrabaho ito sa bansang napakalayo sa Pilipinas, du’n nito natagpuan ang isang milyonaryong negosyante.

Patuloy ng aming source, “Nagkaroon sila ng relasyon ng milyonaryong businessman, pinakasalan siya. Kilala sa bansang ‘yun ang negosyante, bonggang-bongga ang kasal na ibinigay sa kanya.

“Nagpunta du’n ang buong pamilya ng babae, nag-check-in sila sa isa sa pinakakilalang hotel sa bansang ‘yun, sagot ng businessman ang lahat ng gastos!

“Naging cover pa sila sa isang sosyaling magazine, nagkaroon ng ikalawang glorya ang babaeng ginawa kunong punching bag nu’n ng male personality!” hatid na kuwento ng aming source.

Alam ng lalaking personalidad ang naging kapalaran ng dating misis sa ibang bansa, may nagpadala sa kanya ng magazine tungkol sa kasal, ewan kung ano ang kanyang naramdaman.

Sabi uli ng aming source, “Nakakaloka talaga ang buhay, walang accident sa mundo, imagine, nakilala nu’ng millionaire ang girl, sineryoso, pinakasalan!

“Parang kaharian ang buhay nila, grabe sa pagkabongga, parang reyna ang buhay ngayon ng girl na dating dyinodyombag lang ng asawa niya!

“Tinatawanan na lang ng girl ang nakaraan, nakapag-move-on na siya nang milya-milya, wala na siyang itinatagong galit sa male personality dahil gumanda naman ang buhay niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kayod-marino pa rin ang male personality sa pagtatrabaho, may mga anak na kasi sila ng wife niya ngayon, habang nakahiga naman sa salapi ang babaeng sinasaktan nila nu’n ng nanay niya!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Ellen walang sinalo na utang ni Derek

Kung tutuusin ay hindi na kailangan pang magtrabaho ni Derek Ramsay para lang mabuhay. Hindi man niya inaamin ay mula siya sa isang pamilyang mabubuhay na nang marangya kahit matulog-kumain lang sila sa maghapon.

Pero iba ang pagpapalaki sa kanila ng mga magulang nila, kailangan nilang magbanat ng buto sa maagang panahon, para masukat ang kanilang kapasidad.

Sabi ng isang source na nakakuwentuhan namin, “Naku, sa mamanahin pa lang ni Derek, e, napakagandang buhay na ang maibibigay niya kung magpapamilya siya. Alam naman natin na bilyonaryo ang family niya!”

Pero nagsikap ang hunk actor, nagsunog ng kilay para makapagtapos siya ng pag-aaral sa Europa, hanggang sa nag-artista na nga siya nang magdesisyong bumalik sa Pilipinas.

Pinagtawanan din ng aming source ang kuwentong nabaon daw sa pagkakautang si Derek, sinalo ‘yun ni Ellen Adarna, kaya kinarelasyon niya na ang sexy actress.

“Nakakahiya naman ang kuwentong ‘yun! Namimigay nga ng ayuda ‘yung tao na nanggagaling sa sarili niyang bulsa! Halos bilyon ang inabot ng ipinatayo niyang mansiyon, mababaon ba sa utang ang taong ganu’n?” sabi nito.

Tinanggihan ni Derek ang seryeng pagbibidahan niya sana kasama sina Carla Abellana at Max Collins. Kaligtasan ang kanyang dahilan, pataas nang pataas ang numero ng pagkalat ng COVID-19, ayaw niyang isugal ang kanyang buhay.

Kahit pa naghihigpit ang mga network sa lock-in taping ay marami pa ring nakalulusot, tinatamaan ng virus, karapatan ni Derek Ramsay na pangalagaaan ang kanyang sarili na kakambal ang malasakit sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.