Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating FEU cheerleader, abugado na

0 285

Nagbunga ang pagsisikap at paghihirap ng isang dating miyembro ng Far Eastern University Cheering Squad sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) matapos mapabilang na isa sa mga bar passer para maging isang ganap ng abugado.

Pumasa sa unang eksamen pa lang ang dating tagasalo at inihahagis sa ere mula Caloocan City pero residente na ng Makati City na si Francis James Rivera, kabilang sa 1,720 na mapapalad na bagong manananggol. .

Related Posts

“Congratulations Atty. Francis Rivera! Defender of the oppressed national athletes!!! Let’s start the legal battle against corrupt sports officials!” pahayag kahapon sa Facebook post ni Philippine Cheer Union (PCU) secretary general Ron Suva. “Our former oppressed gymnast & cheerleader, a state witness is now a lawyer.”

Nagtapos sa FEU-Institute of Law at isa sa mga student-athlete na nakipaglaban para sa karapatan ng mga atleta laban sa korapsiyon sa sports sa bansa noon ang bagong attorney, na dati ring national aerobic gymnastics athelete at co-captain ng FEUCS. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.