Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating `gerilya’, 4 pa sumurender

0 220

Isang dating miyembro ng Kilusang Larangang Gerilya ang nagbalik loob sa pamahalaan at 4 na iba’t ibang klase ng baril ang naisuko sa tuloy tuloy na internal security operations ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO).

Nabatid mula kay PLt. Colonel Alexander Aurelio, commander ng 1st Prov’l. Mobile Force Company, na sumuko kamakalawa ng hapon si Alyas Ka Eddie ng Milisyang Bayan KLG Sierra Madre, makaraan ng ilang buwang panghihikayat dito.

Naging katuwang umano ang mga operatiba mula sa 303rd MC RPSB 3, RIU 3 703rd Bde, PA., 84th IB PA at Delta Coy. Ng 91stIB PA sa pagsuko ni Ka Eddie.

SM food to go Banner Ad

Kasabay nito katuwang naman ang Gabaldon police sa pagpapasurender ng 4 na baril sa Sitio Mandugmin, Brgy. Bugnan, Gabaldon Nueva Ecija.

Ayon kay Aurelio ang mga naisuko ay isang improvised caliber 30; isang converted cal. 22 at dalawang shotgun na pawang kaukulang mga dokumento.(Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.