Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating GF ni Jovit Baldivino na-scam 8K katao

0 293

Aabot umano sa walong libong katao ang naloko ng dating nobya ni Jovit Baldivino dahil sa investment scam.

Sa programang ‘Asintado’ nina Jigo Pistolero at Atty. Claire Castro, dumulog sina Jerome, Ace, at Mae upang ireklamo si Shara Jane Chavez Crizat at kasosyo nitong nangangalang ‘Angel’ na silang nagpapatakbo ng SCET Corporation.

Reklamo nila, wala raw nagingpayout ang kanilang investment sa magkasosyo.

Kuwento ni Jerome, nagsimula siyang maengganyo sa investment nang makakita siya ng maraming positive review dito. Malaki aniya ang iprinesentang return on investment (ROI) sa kanya kaya tuluyan siyang napakagat at dagdag factor rin ang pagiging ex-dyowa ni Crizat kay Baldivino sa pagtitiwala niya.

Kumpiyansa naman si Ace sa tiwala niya kay Crizat dahil isa umano itong kilalang public figure.

SM food to go Banner Ad

“Sabi niya po, ‘Hindi ko naman siguro sisiraan ang pangalan ko sa ganitong halaga lang.’”

Batay sa SC Investment program nina Crizat at Angel, 100% ang balik ng kapital, at dodoble pa sa loob lang ng anim na buwan.

Kalahating milyong piso ang pinasok ni Jerome pero wala umano siyang natanggap na payout, habang mahigit P1 milyon naman ang nawala kay Ace.

“May mga members din po na natalbugan ng tseke, when they checked with East West, closed na po ‘yung mga accounts,” ani Jerome.

Samantala, nilinaw ni Baldivino na wala na siyang koneksiyon sa kanyang ex. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.