Abante Tonite Interactive

Dating kalampungan ni Bong napunta sa anak

By
7,175

Nakita namin sa mukha ni Senator Bong Revilla ‘yung pagiging proud niya sa mga anak niya na may gina­wang action film para sa Imus Productions.

Tres ang title ng trilogy action flick na bida sa kanya-kanyang episode ang tatlong anak na lalaki ni Sen. Bong na sina Bryan, Jolo at Luigi.

Kuwento ng actor-senator nang huli kaming dumalaw sa kanya sa Custodial Center sa Camp Crame, unang natapos ang episode ni Bryan na ‘Virgo’ ang pamagat.

Gandang-ganda rito si Bong at naiyak sila pareho ni Mayora Lani Mercado sa napanood nila. Ang galing daw umarte ng panganay nilang si Bryan at pinupuri nila ang direksyon dito ni Richard Somes.

Si Carla Humpries ang leading lady rito ni Bryan at mukhang may mainit na love scene sila.

Tapos na rin ang episode ni Luigi na ang title ay ‘Boss K’ na cougar ang peg ng partner nito na si Assunta de Rossi.

Nakalampungan dito ni Luigi si Assunta, na minsan nang naka-love scene noon ng kanyang amang si Bong sa pelikulang Kilabot at Kembot (2002).

Patapos na rin ang ma­aksyong episode ni Jolo na ‘72 Hours’ na si Rhian Ramos ang katambal nito. Originally ay si Lovi Poe dapat ‘yon, ewan namin kung bakit hindi natuloy.

Ang sexy ngayon ni Jolo, na ang laki ng ipinayat sa ketogenic diet, so puwede siyang magpa-abs sa love scene nila ni Rhian.

Bilang apat na taon na siyang nakapiit sa Crame ay ang mga anak na muna ni Sen. Bong ang magpapatuloy ng kanyang career sa big screen.

Plano nilang isali ang Tres sa Pista ng Pelikulang Pilipino this year para magkaroon ito ng guaranteed screening sa lahat ng SM cinemas nationwide.

Citizen Jake nabawasan ang sinehan

Tama ang desisyon ni Atom Araullo na huwag patulan ang mga hanash at kuda ng direktor ng Citizen Jake na si Mike de Leon.

Sa halip kasi na i-promote na lang ng batikang direktor ang ginawa nilang trabaho ay may mga kung anik-anik na pasaring pa ito sa bida ng pelikula.

Tinawag ng direktor na ‘closet movie star’ umano si Atom, na nakita niya raw na gusto talagang maging artista.

Sinabihan niya ng good job si Atom sa ipinakitang pag-arte nito sa movie at may mga scene daw na terrific ito, pero may sundot din siyang ‘uneven’ ang acting nito sa ibang eksena.

May emote din si Direk na Citizen Jake ang kanyang most personal film at magkasama sila ni Atom dito kaya umasa siyang pareho sila ng mga conviction nito sa pelikula, pero hindi pala.

Feeling niya raw ay mag-isa lang siya sa pagdepensa sa pelikula.

May isa pang post si Direk Mike na matagal na raw niyang hinihingan ng statement si Atom reaffirming his commitment sa controversial content ng film, pero wala raw maibigay si Atom na puwede niyang i-post sa FB.

Tanong niya, natatakot daw ba ito na maapektuhan ang career nito sa GMA?

Aniya pa, non-existent ang support ni Atom sa pelikula, buti na lang daw ay suportado siya ng ibang tao.

Tahimik lang si Atom sa lahat ng birada ng beteranong direktor. Abala ito sa pag-promote ng Citizen Jake sa social media lalo na sa Twitter.

Hindi rin kasi tamang patulan ni Atom ang isang senior citizen na iginagalang sa industriya at halos dalawang dekadang namahinga at ngayon lang ulit gumawa ng pelikula.

Ang mga netizen tuloy ang rumeresbak for Atom at sinasagot si Direk Mike na dapat ay itaguyod nito ang demokrasya at huwag itong maging diktador.

“Pull yourself together, direk! It’s not as if your film is a Noli Me Tangere that could spark a revolution! Black Panther is more provocative!” taray ng isang netizen.

Habang abala si Direk Mike sa kanyang mga hanash ay patuloy na nababawa­san ng mga sinehan ang Citizen Jake.