Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating kapitana nilikida

0 224

Patay ang dating barangay chairwoman matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek, Lunes ng gabi sa Brgy Bislig sa bayan ng San Andres, Catanduanes.

Kinilala ang biktima na nagtamo ng mga bala mula sa di pa batid na kalibre ng baril sa katawan na si Lea Vallespin, 45, dating kapitan ng Barangay Asgad ng nasabing bayan at ngayon ay nagtatrabaho bilang messanger/collector ng Catanduanes Doctors Hospital Inc. (CDHI).

Sa ulat ng San Andres PNP, alas-6:00 ng gabi nang makita ang biktima na nakabulagta sa kalsada sakop ng Barangay Bislig habang katabi nito ang kanyang Honda XRM na motorsiklo.

Unang inakala ng mga motorista na nadisgrasya ang dating kapitana subalit nakakita sila ng mga nagkalat na bala sa paligid.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon sa krimen upang matukoy ang motibo at kung sino ang salarin. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.