Abante Tonite Interactive

Dating katropa ni LeBron lalaro sa SMB

0 239

Si John Michael ­Joseph Holland ang nasa radar ng San Miguel Beer bilang pamalit na ­import sa na-injured na si Dezmine Wells.

Garahe nitong Miyekoles si Wells kontra Blackwater pero naitakas ng SMB ang 99-96 overtime win kontra Blackwater sa 44th PBA Governors’ Cup elims sa Cuneta Astrodome, Pasay.

Natamo do-it-all original San Miguel import ang ankle sprain sa kaliwang paa laban sa Meralco nitong Oktubre 27, ‘di niya natapos ang game at nagpista ang Bolts via 125-99 victory.

Isang National Basketball Association journeyman si Holland, 31-anyos.

Nakapaglaro sa Boston Celtics noong 2016 at sa Cleveland Cavaliers teammate dati ni LeBron James noong 2017-18. (Aivan ­Episcope)