Abante Tonite Interactive

Dating matinee idol inisnab ng produ

By
0 377

Naka-chat namin ang isang beteranong aktor. Naglabas siya ng hinaing tungkol sa isang malaking movie outfit, na dating nakakontrata siya rito noong kanyang kabataan. Hindi na raw kasi siya naaalalang kunin nito sa pelikula, for almost 20 years, to think na marami naman daw itong pelikulang ginagawa.

Kahit maisingit man lang daw sana siya, at kahit support lang daw siya, okey na ‘yun. Mabuti pa raw ang isang malaki ring movie outfit, na kinukuha pa rin daw siya sa mga pelikulang ginagawa nito.

Noong kanyang kasikatan at kabataan, malaki naman daw ang perang naipasok niya sa malaking movie outfit. Lahat daw ng pelikulang ginawa niya rito, katambal ‘yung dating ka-loveteam, ay kumita sa takilya. At kahit ‘yung mga pelikula na solong pinagbidahan niya. Nalulungkot nga lang daw siya na porke’t hindi na siya sikat, na tapos na ang kanyang panahon, ay binalewala na raw siya ng movie outfit.

Sino si beteranong aktor? Bukod sa sumikat siya dahil na rin sa loveteam nila ng isang beterana na rin ngayong aktres, ay naging matinee idol siya.

At nakilala siya noon sa pagiging makulit at komedyante.