Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating NEDA chief Neri binawian ng mga benepisyo

0 188

Ibinasura ng Supreme Court ang isinampang petisyon ni dating National Economic and Development Authority (NEDA) director general at Socioeconomic Planning Secretary Romulo Neri na kumukuwestiyon sa desisyon sa kanyang naging partisipasyon sa maanomalyang $329 million ZTE deal sa isang dayuhang kompanya noong 2006.

Sa 20 pahinang desisyon na in-upload ng SC website noong Nobyembre 11, hindi pinagbigyan ng SC 3d Division ang petisyon ni Neri at binaligtad ang hatol ng Court of Appeals (CA) na ibinaba ang desisyon mula sa grave misconduct ay naging simple misconduct.

Inutos din ng SC na sibakin sa serbisyo si Neri at kanselahin ang eligibility nito, bawiin ang mga leave credit at retirement benefits, at habambuhay na ring hindi puwedeng magtrabaho sa gobyerno.

SM food to go Banner Ad

May kinalaman ito sa graft case na isinampa kaugnay sa naging kontrobersiyal na transaksiyon sa Chinese firm Zhing Xing Telecommunications Equipment (ZTE) at National Broadband Network.

Ayon sa SC, bilang pinuno ng NEDA, may kapangyarihan si Neri sa pag-apruba ng bidding ng ZTE.

“[H]e insists that his office only evaluated economic viability of the project and had no discretion as to the contractor to be chosen, this argument rings hollow,” ayon sa SC. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.