Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating NFL player, oso nagkatakutan

0 113

Player dati ng Chicago Bears si Ha Ha Clinton-Dix, sa anim na taon sa NFL ay marami-rami na siyang na-tackle at nai-judo sa ground, pero bahag ang buntot niya sa totoong bear – oso.

Sa Instagram, nag-post ang Dallas Cowboys safety na ngayong si Clinton-Dix ng video ng close encounter niya sa mag-inang bear. Kuha ‘yun ng surveillance video sa isang complex.

May dalawang sasakyan na magkasunod na nakahinto, naglalakad naman ang mag-inang bear. Sa likod ng pangalawang sasakyan, huminto ang mga oso at siya namang dating ni Clinton-Dix na naka-scooter. Hindi pa niya kita ang bear.

Palagpas si Clinton-Dix sa pangalawang sasakyan, nabulaga siya ng mga oso. Gulat si Clinton-Dix, binitawan ang scooter at kumaripas ng takbo pabalik. Nabigla rin ang mag-inang bear, napaatras bago tumakbo rin.

Pero mukhang mas nagulat ang malaking oso sa sumadsad na scooter, umaandar pa, kaysa kay Clinton-Dix. Hindi naman nasaktan, natawa pa si Clinton-Dix sa sarili pagkatapos.

“I play D # gotta be ready to go. A lil high on my flip turn but the drive was there. I ain’t know how many was over there,” caption niya. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.