Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating OFW, 3 pa timbog sa illegal recruitment

0 59

Apat na kalalakihang recruiter kasama ang isang dating OFW na wanted sa large illegal recruitment ang naaresto noong Martes ng hapon sa Brgy. Poblacion, San Isidro, Nueva Ecija.

Sa ulat sa tanggapan ni Mayor Viña Lopez, ang mga naaresto ay sina Jomar Velarde Estabillo @ Andres Dantes, 50, ex OFW; Ransy Rosete Verde, 38; Eduardo Aquino Amor Jr., 41 at Eduard Aquino, 39.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na nagreklamo si Mederlyn Bunag Ocampo, 33, makaraang hingan umano ito ng P100,000 para sa VISA sa pagtratrabaho sa bansang Israel.

Sa tulong ni PLt. Emiliano Jalova Jr. Deputy policechief, nagsagawa ng entrapment gamit ang budol budol money na P30,000 na paunang hinihinging kabayaran ng grupo na ikinadakip ng mga ito. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.