Abante Tonite Interactive

Dating opisyal intrigero

256

May pagkamahadera itong dating opisyal sa kanyang mga kuwento noong Holiday season dahil iniintriga ang opisyal na pumalit sa kanya.

Sa dinaluhang kasayahan nitong dating opisyal, ipinagmalaki nito na noong siya pa ang nasa puwesto ay maraming nanonood at marami ang nagla-like sa livestream nito sa internet, kum­para sa kasalukuyan.

Ayon sa opisyal, bumaba ang viewership sa livestream sa social media ng kanyang pinalitan at hindi aniya matapatan ang dami sa kanya noong panahon nito.

Hindi naman masama ang loob nitong dating opis­yal sa pagkukuwento pero kulang na lang sabihing ‘mas maga­ling siya’ kaysa sa ipinalit sa kanya.

Ngingiti-ngiti lang naman ang inintrigang opisyal matapos ikuwento ng isang madaldal na taga-Malacañang ang mga pagbubuhat ng bangko ng kanyang pinalitan.

Clue: Ang dating opisyal ay aba­lang-abala ngayon sa pag-iikot sa bansa habang ang pumalit sa kanya, sarado na ang dyaryo kapag sumagot sa viber! O gets niyo na? Kung hindi pa eto pa ang isang clue: la­ging naka-BMW ang dating opisyal as in buhok mo wig!