Abante Tonite Interactive

Dating opisyal madaling mapikon

429

Sino daw itong da­ting opisyal ng gobyerno ang war freak kapag may negatibong balitang lumalabas tungkol sa kanya?

Kapag may luma­bas daw kasing masamang artikulo laban sa kanya, agad nitong pinapadalhan ng mensahe ang reporter.

May kagaspangan daw ang ginagawang paninita ng dating opisyal, halatang napikon sa lumabas na artikulo.

Dahil sa kahambugan, halos walang kaibigang media ang da­ting opisyal.
Pinalalabas kasi ng kumag na malakas siya sa Palasyo pero nang magkaproblema ay mistulang nilaglag naman.

Actually, may bagong puwesto sana itong dating opisyal pero pumalpak ang kanyang game plan.

Clue. Ang da­ting go­vernment official na madalas manita ng negatibong artikulo tungkol sa kanya ay bihirang magpahaba ng buhok. May letrang R sa kanyang pangalan.