Abante Tonite Interactive

Dating opisyal may pamatay na hininga

233


Halos natatakot daw dumikit ang ilang kagawad ng media sa isang dating opisyal na ngayon ay aktibong-aktibo sa pangangampanya para sa eleksyon.

Ang kuwento, kung sa ibang opisyal daw ay iiwas ka sa pagpapaulan nila ng laway habang iniinterbyu, ito raw ating bida ay mahihilo ka naman sa baho ng hininga.

Ang hinala ng ilan ay baka dahil sa kanyang braces kaya’t iba ang amoy ng kanyang bibig kahit mukha naman daw maselan sa katawan si Mr. Ex Official.

Bukod pa rito, baka madalas din daw na malipasan ng gutom ang ating bida dahil sa sobrang pagiging abala sa kanyang mga aktibidad.

Madalas din daw tampulan ng biro ang ating bida na huwag gaanong didikitan at baka matusok ang mga didikit dahil mistulang deadly weapon daw ang baba.

Clue: Popular ang ating bida at lagi ngayong napagkikita na unang rumeres­ponde sa mga kalamidad. May letrang R sa kanyang pangalan as in Ready na raw sa serbisyo.