Abante Tonite Interactive

Dating opisyal naging ‘Ampalaya Queen’

HULAAN BLUES

By
682

Lumabas ang pagiging bitter ng isang da­ting opisyal ng gobyerno dahil sa hindi raw ito titigil sa paghihiganti sa mga taong gumawa ng aksiyon laban sa kanya upang mawala siya sa kanyang posisyon.

Sa katunayan, ayon sa ating amuyong, kahit na sinasabing simple lamang ang buhay ng ating Bida na katunayan na matino ang kanyang pagtupad sa mandato sa loob ng gob­yerno, ay patuloy naman ang paggastos nito para sa kanyang PR group.

Batay sa kuwento ng ating amuyong, ang trabaho ng grupong kanyang kinuha ay hindi lamang para mapabangong muli ang kanyang pangalan kundi ang wasakin ang kredibilidad ng mga kumalaban sa kanya.

Bukod daw sa tradisyonal na propagandang pinatatrabaho ng dating opisyal sa kanyang kinuhang grupo, diskarte rin nito ang magpa­hanap ng posibleng ikaso sa mga nakalaban niya at magbayad din ng taong maghahain ng kaso.

Ang ating bida ay may M sa kanyang pa­ngalan as in Mandaraya at S sa kanyang apel­yido as in nag-aambisyon sa Senado.