Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating PBL opisyal namatay

0 66

Namatay na ang mabait na dating deputy commissioner nang nabuwag na Philippine Basketball League (PBL) na si Tommy Ong Biyernes (Sept. 3) sa edad na 65-anyos.

Siya ang nagdala sa ‘Pinas sa bantog na si Chinese player Ma Jian noong 90s para maglaro sa Hapee Toothpaste.

Ilan sa PBL stars na mga natulungan at naging malapit sa kanya sina James Carlos Yap, Jean Marc Pingris, mag-utol na Ranidel at Yancy de Ocampo, Lewis Alfred Tenorio, Larry Fonacier, Peter June Simon, at Paul Asi Taulava.

SM food to go Banner Ad

Si Ong TV din ang TV production head ng Universities and Colleges Basketball League (UCBL) bago nanalasa ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Naglaro rin siya sa ilang Fil-Chinese school at commercial leagues.

Nakaburol si Ong sa Sanctuarium sa Araneta Avenue, Quezon City. Ihahayag pa sa mga susunod na araw ang libing. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.