Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating presidential bet Elly Pamatong yumao na

0 90

Yumao na ang dating presidential candidate na si Elly Pamatong.

Ayon sa kanyang tagapagsalita na si Rameses Javier Casten, pumanaw si Pamatong sa edad na 78 noong July 24 dahil sa cardiac arrest at hindi COVID-19.

Sa kanyang bahay sa Bitas, Arayat, Pampanga binawian ng buhay si Pamatong.

Hiniling niyang ma-cremate at ang abo niya ay nasa isa umanong chapel ng kanyang religious group sa Arayat.

Hindi kaagad ipinaalam ang pagpanaw nito dahil nais umano ng pamilya na tahimik na maipagluksa si Pamatong.

Kumandidatong pangulo noong 2004 at 2010 si Pamatong ngunit idineklarang nuisance candidate.

Kabilang siya sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.