Abante Tonite Interactive

Dating preso niratrat ng tandem

By
0 148

Patay ang isang da­ting preso nang pagbabarilin ng riding-in-tandem na hinihinalang may kinalaman sa droga kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Dahil sa tinamong mga bala sa iba’t ibang parte ng katawan mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril, hindi na umabot nang buhay sa Makati Medical Center (MMC) ang biktimang si Pablito Santos, 46-an­yos, taga-M. Ocampo St., Barangay Pio Del Pilar, ng naturang lungsod.

Sa report ni Senior Supt. Roger Simon, ­naganap ang insidente alas-7:50 kamakalawa ng gabi sa M. Ocampo St., Brgy. Pio Del ­Pilar Makati City.

Habang nakatayo ang biktima sa naturang lugar ay bigla na lamang sumulpot ang isang motorsiklong walang plaka at magkaangkas ang da­lawang armadong lalaki.

Isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at nirapido ang biktima.

Ayon kay Simon, dati na aniyang nakulong ang biktima sa kasong illegal drugs.

Sa ngayon ay sinisi­lip ng pulisya kung may kinalaman muli sa droga ang pagpaslang sa da­ting inmate.

Ang labi ng biktima ay pansamantalang inilagak sa Rizal Funeral Homes upang isailalim sa awtopsiya. ­