Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating propesora todas sa lampara

0 123

DAHIL sa lampara, patay ang isang lola matapos ma-trap sa nasunog nilang ancestral house sa Purok 6, Barangay Calaocan, Santiago City, Isabela kamakalawa.

Kinilala ng Santiago City-Bureau of Fire Protection (SC-BFP) ang biktimang si Nida Tubay, 67, dating professor sa isang unibersidad sa nasabing siyudad.

Sa report, ayon kay SC-BFP officer SFO2 William Peralta, hinihinalang lampara ang sanhi ng sunog na tumupok sa bahay.

Ayon kay Peralta, nakatanggap sila ng tawag sa kalapit-bahay ng biktima hinggil sa nangyayaring sunog.

Agad namang rumesponde ang miyembro ng SC-BFP at naapula ang sunog alas-9:17 ng gabi.

Natagpuan sa isang kuwarto ang dating propesora na wala nang buhay dahil sa suffocation. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.