Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating pulis patay sa ambush

0 72

Pumanaw ang isang dating pulis na nasibak sa serbisyo matapos siyang tambangan sa national highway sa Batangas City, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Archie Litan Aceveda na dating nakatalaga sa Batangas provincial police office.

Batay sa report ng Batangas City Police, nagmamaneho ang biktima ng kotseng Honda nang harangin siya mga armadong kalalakihan na sakay ng isang hindi natukoy na sasakyan sa Barangay Balagtas, alas-11:00 ng gabi.

SM food to go Banner Ad

Hindi na siya binigyan ng pagka­kataon na makababa sa sasakyan at pinagbabaril na kaya agaran siyang namatay habang nakaupo sa driver’s seat.

Ayon kay Batangas City police chief P/Lt. Col. Gerry Laylo, ang biktima na isa na ngayong security aide ng isang politiko sa Batangas ay na-dismiss sa pagka-pulis ilang taon na ang nakararaan dahil sa iba’t ibang kaso na kinabibilangan ng murder.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng Batangas City Police ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.