Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating pulis pumiyok: Drug lord may P1.5M padulas kay De Lima

0 515

Nilantad ng isang dating pulis na tumanggap umano ng P1.5M mula sa isang drug lord si Senadora Leila de Lima.

Nitong Martes sa hearing para sa drug case ng mambabatas sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 256, kinuwento ni Engelbert Durano ang pagbibigay umano ng milyon kay De Lima ng drug lord mula Cebu na si Jeffrey ‘Jaguar’ Diaz.

Batay sa pahayag ni Senior Assistant City Prosecutor Darwin Cañete, tumestigo si Durano na sinabing pinuslit umano sa shoe box ang pera na binigay kay De Lima.

Saad pa ni Cañete, pinagtibay din umano ni Durano ang kanyang relasyon kay Ronnie Dayan, ang driver ni De Lima na sinasabing bagman din umano ng senadora.

Pinag-iisipan din ng prosekusyon kung magpepresenta pa ng isang testigo na nakakulong din sa Muntinlupa. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.