Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating pulis tinodas sa stop light

0 275

Patay ang isang retiradong pulis sa pamamaril ng hindi nakilalang suspek sa Calamba City, Laguna Lunes ng gabi.

Batay sa report ng Calamba City police, sakay sa motorsiklo ang biktimang si Melvin Polintan Llanes at nakahinto sa stoplight sa Barangay Halang bandang alas 8:30 ng gabi nang lapitan umano ito ng suspek, pinagbabaril at saka mabilis na tumakas.

Isinugod naman ang biktima sa Pamana Hospital subalit idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Ang 67-anyos biktima na dating intel officer ng Calamba police ay in-ambush din noong September 2019 habang sakay ng kanyang kotse sa Barangay Parian subalit himalang nakaligtas. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.