Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating rebelde pinagamot ng PNP

0 85

Pinuri ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang umano’y pagtulong ng mga pulis mula sa Eastern Samar sa isang dating rebelde na nangailangan ng agarang pagpapagamot.

Base sa ulat na nakarating sa hepe, matagal nang may iniindang karamdaman si Ka Sabio, isa umanong NPA surrenderee, at ipinabatid ng isang concerned citizen sa mga tauhan ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company ang kanyang kalagayan.

Agad umanong dinala ng pulisya si Ka Sabio sa Casano Hospital sa bayan ng Dolores para doon isailalim sa pagsusuri.

SM food to go Banner Ad

Na-confine si Ka Sabio dahil kailangang bantayan ang kanyang sitwasyon, at isasailalim siya sa gamutan at mas masusing pagsusuri sanhi ng systemic viral infection.

Binalikat umano ng mga pulis ang bayarin sa ospital ni Ka Sabio nang payagan itong makalabas at binigyan din ito ng mga gamot at isang buwang suplay ng vitamins.

“Ipinakita ng ating mga pulis sa Samar ang tunay na malasakit sa kapwa kahit ang kanilang tinulungan ay itinuturing na dating kaaway ng gobyerno. Ito ang kahulugan ng police service,” ayon sa hepe. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.